tagalog recipe pininyahang manok

Tagalog Recipe: Pininyahang Manok with Milk

Total
0
Shares

Pininyahang Manok with Milk (Tagalog Recipe): Sino’ng nag sabi na hindi pwedeng ulamin ang prutas? Naalala ko yung pinannood ko na pelikulang, “Ang Pangarap Kong Holdap”, kung saan nag dedebate sila kung papaya o sayote ba ang nilalagay sa tinola. Sabi nung isang karakter, sayote daw dapat kasi bat ka mag-uulam ng prutas? 

Ang naisip ko naman, lagi kaya nating inuulam ang prutas! Naglalagay tayo ng saging sa pochero, pinya sa adobo, at siyempre – kamatis! Oo, prutas ang kamatis! 

Pinya, gatas, at manok? Why not diba? Tara, gawa tayo ng pininyahang manok. Kung gusto niyong panuorin ang video, narito ang Pininyahang Manok with Milk recipe sa Youtube.

Pininyahang Manok Tagalog Recipe: Ingredients

  • 3-5 Pirasong Bawang (Garlic)
  • 1 pc. Malaking Sibuyas (Onion)
  • 1pc Atsal (Red Bell Pepper)
  • 2-3 pcs. Sliced Kamatis (Tomatoes)
  • ½ Kilo Manok (Chicken)
  • 1 pc. Sliced Carrot
  • 400 grams Pineapple Chunks
  • 2 tsbp. Patis (Fish Sauce)
  • 1/2 cup Fresh Milk
  • Pineapple Juice Concentrate (from can)
  • Cooking Oil
  • Asin (salt)

Paano Magluto ng Pininyahang Manok

  1. I-marinate muna natin ang manok sa pineapple juice at patis ng around 30 mins. Mas mainam na ang gamitin natin is yung pineapple juice concentrate mula sa canned pineapples na gagamitin natin
  1. Samantala, sa pan, mag gisa ng garlic, onion, at kamatis.
  1. Pag nag brown na ang garlic, ilagay ang chicken na naka drain na yung marinade. Pero wag niyo itamon ang marinade ha, kasi gagamitin natin mamaya.
  1. Hayaang maluto ang manok sa mantika. Malalaman mong luto na ang manok pag kulay puti na yung loob niya.
  1. Ngayon ilagay ang pineapple juice marinade na ginamit natin kanina. Hahaluan pa natin ng half a cup ng milk. Fresh milk lang yung ginamit ko dito
  1. Haluin then pakuluan ng 20 mins para manuot ang lasa ng manok sa sabaw.
  1. Lagyan ng pineapple chunks, carrots, at atsal ( bell peppers).
  1. Budburan ng asin hanggang sa maging ayon sa panlasa mo.
  1. Takpan ng ilang minuto. Pag konti na lang yung sabaw, pwede na yan!

Sabi ko inyo pwedeng ulamin ang prutas eh. Manamis namis at malinamnam! Kasya to sa 3-4 na tao. I-serve mo ng mainit para mas masarap.

Nagustuhan mo ba itong tagalog recipe ng Pininyahang Manok? Sabihin niyo po sa comments!

Tagalog Recipe: Pininyahang Manok with Milk

Subukan niyo itong tagalog recipe ng Pininyahang Manok with Milk! Sino'ng nagsabi na di pwedeng ulamin ang prutas?
Prep Time30 mins
Cook Time45 mins
Course: Main Course
Cuisine: Filipino
Keyword: pininyahang manok recipe, pininyahang manok with milk, tagalog recipe
Servings: 4

Ingredients

  • 3-5 pcs bawang (garlic)
  • 1 pc malaking sibuyas (large onion)
  • 1 pc atsal (red bell pepper)
  • 2-3 pcs kamatis (tomatoes) sliced
  • 1/2 kilo manok (chicken)
  • 1 pc sliced carrot
  • 400 grams pineapple chunks
  • Pineapple Juice Concentrate from can
  • 1.2 cup fresh milk
  • 2 tbsp patis
  • cooking oil
  • asin (salt to taste)

Instructions

  • I-marinate muna natin ang manok sa pineapple juice at patis ng around 30 mins. Mas mainam na ang gamitin natin is yung pineapple juice concentrate mula sa canned pineapples na gagamitin natin
  • Samantala, sa pan, mag gisa ng garlic, onion, at kamatis.
  • Pag nag brown na ang garlic, ilagay ang chicken na naka drain na yung marinade. Pero wag niyo itamon ang marinade ha, kasi gagamitin natin mamaya.
  • Hayaang maluto ang manok sa mantika. Malalaman mong luto na ang manok pag kulay puti na yung loob niya.
  • Ngayon ilagay ang pineapple juice marinade na ginamit natin kanina. Hahaluan pa natin ng half a cup ng milk. Fresh milk lang yung ginamit ko dito
  • Haluin then pakuluan ng 20 mins para manuot ang lasa ng manok sa sabaw.
  • Lagyan ng pineapple chunks, carrots, at atsal ( bell peppers).
  • Budburan ng asin hanggang sa maging ayon sa panlasa mo.
  • Takpan ng ilang minuto. Pag konti na lang yung sabaw, pwede na yan!

Video

Total
0
Shares

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Recipe Rating




This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.