I-marinate muna natin ang manok sa pineapple juice at patis ng around 30 mins. Mas mainam na ang gamitin natin is yung pineapple juice concentrate mula sa canned pineapples na gagamitin natin
Samantala, sa pan, mag gisa ng garlic, onion, at kamatis.
Pag nag brown na ang garlic, ilagay ang chicken na naka drain na yung marinade. Pero wag niyo itamon ang marinade ha, kasi gagamitin natin mamaya.
Hayaang maluto ang manok sa mantika. Malalaman mong luto na ang manok pag kulay puti na yung loob niya.
Ngayon ilagay ang pineapple juice marinade na ginamit natin kanina. Hahaluan pa natin ng half a cup ng milk. Fresh milk lang yung ginamit ko dito
Haluin then pakuluan ng 20 mins para manuot ang lasa ng manok sa sabaw.
Lagyan ng pineapple chunks, carrots, at atsal ( bell peppers).
Budburan ng asin hanggang sa maging ayon sa panlasa mo.
Takpan ng ilang minuto. Pag konti na lang yung sabaw, pwede na yan!